"Uso pa ba ang harana?": Pagbabago ng Kultura Kasabay sa Pag-usbong ng Teknolohiya Ang harana ay isang tradisyunal na paraan ng panliligaw ng mga Pilipino kung saan ang isang lalaki, kasama ang kanyang mga kaibigan na tumutugtog ng gitara, ay aawit ng pag-ibig sa ilalim ng bintana ng isang babae sa gabi. Naging popular ito bilang pangunahing paraan ng panliligaw hanggang sa nagsimula ang unti-unting pagbabago tungo sa moderno at makabagong panahon. Dahil sa paglaganap ng teknolohiya at pag usbong ng mga makabagong paraan, ang pagpapahayag ng damdamin ay unti-unting nagbago at nagresulta sa pagsantabi ng tradisyong panghaharana. Ang panghaharana ay nagsimula mula pa noong panahon ng mga Espanyol at naging pinakakilalang paraan ng panliligaw sa maraming dekada hanggang sa nagsimulang umusbong ang makabagong panahon at marami na ang unti-unting nagsisimulang kalimutan ito. Ang pagkawala ng tradisyong panghaharana ay sanhi ng maraming dahilan ilan na dito ay ang sumusunod: Ur...