"Uso pa ba ang harana?": Pagbabago ng Kultura Kasabay sa Pag-usbong ng Teknolohiya
Ang harana ay isang tradisyunal na paraan ng panliligaw ng mga Pilipino kung saan ang isang lalaki, kasama ang kanyang mga kaibigan na tumutugtog ng gitara, ay aawit ng pag-ibig sa ilalim ng bintana ng isang babae sa gabi. Naging popular ito bilang pangunahing paraan ng panliligaw hanggang sa nagsimula ang unti-unting pagbabago tungo sa moderno at makabagong panahon. Dahil sa paglaganap ng teknolohiya at pag usbong ng mga makabagong paraan, ang pagpapahayag ng damdamin ay unti-unting nagbago at nagresulta sa pagsantabi ng tradisyong panghaharana.
Ang panghaharana ay nagsimula mula pa noong panahon ng mga Espanyol at naging pinakakilalang paraan ng panliligaw sa maraming dekada hanggang sa nagsimulang umusbong ang makabagong panahon at marami na ang unti-unting nagsisimulang kalimutan ito. Ang pagkawala ng tradisyong panghaharana ay sanhi ng maraming dahilan ilan na dito ay ang sumusunod:
- Urbanisasyon: Kumpara noon, ang moderno at abalang syudad ay di gaanong kaaya-aya para sa gabing panghaharana.
- Pag-usbong ng Teknolohiya: Sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya kung saan maraming Pilipino ang nagsimulang gumamit ng social media, marami sa atin ang nagsisimulang maimpluwensahan sa makabagong paraan ng paraan tulad ng texting at online messaging.
Mahal man nating mga Pilipino ang kumanta at gumawa ng musika, di rin natin maikakaila na ang panghaharana ay labis na nangangailangan ng mahabang panahon at karanasan. Dahil dito, maraming kabataan ang mas pinipiling gumamit ng mga paraang mas pamilyar para sa kanila. Gayunpaman, tulad ng iba pang tradisyon, ang panghaharana ay mahalaga rin nating isapuso dahil kaugnay nito ang kulturang pilipino na nagpapakita ng pagpapahalaga sa emosyon at seryosong intensyon sa pag-ibig na hinding-hindi magbabago kahit sa panahon ng pagbabago. Ang tradisyong ito ay di lamang upang mailahad ang damdamin, ito ay tungkol sa pagiging totoo; Ito ang siyang nagpapatunay sa tunay na diwa ng kulturang pilipino.
Sa pangkalahatan, ang harana ay may malaking papel na ginampanan sa ating historikal na kaganapan at nagsilbing mensahe ng kalalakihan upang ipabatid sa isang babae ang kanilang pag-ibig. Naging balakid man ang teknolohiya sa pagpapatuloy ng tradisyong panghaharana ngunit marami pang paraan upang ipagpatuloy ito, maaaring gumamit ng teknolohiya sa pamamagitan ng pagpapalaganap nito sa social media. Gaya ng pag dokumento o paggawa ng bidyo bilang Sa ganitong paraan ay masilayan o makita ng mga tao sa henerasyon ngayon kung paano kaganda at kung gaano pinapahalagahan ng mga tao sa panahon noon ang halaga ng pagmamahal.
Isinulat nina:
Ariem, Elijah
Oducayen, Alexa
RobiƱos, Francine
Solana, Derek
Van Dierendonck, Sophie
Comments
Post a Comment